Napapaisip ako nang madalas tungkol sa mga balimbing na (bumalik sa) pangangampanya para sa mga mismong kinatawan na kanilang siniraan mula noong 2015 hanggang 2021: PNoy, Mar, Leni and Kiko. Dahil sa ginampanan nila upang magkaganito ang pamamahala ng ating bansa, hindi ko sila maituturing na kakampink. 

Isa sa sandamakmak na memes galing sa Facebook. Mula sa kaliwa: Leni Robredo, Risa Hontiveros, Bato dela Rosa, Rodrigo Duterte.

Walang pinag-iba ang pulpolitikong tulad nina FVRamos, Dick Gordon, Bayani Fernando, Grace Poe, Chiz Escudero, at ang mga tagapaghatid ng balita gaya nina Ted Failon, Arnold Claudio, atbp kina Enrile, Macapagal-Arroyo at Marcos. Lalong hindi ko rin maatim ang lahat ng kasapi ng Makabayan bloc, ang mga National Democrats na siyang unang kumampi kay Duterte at hanggang ngayon ay hindi pa rin natutong humingi ng tawad at magtrabaho upang itama ang kanilang pagkakamali na siyang nagdulot ng kaguluhang ito. 

Pinaglaruan nilang lahat ang buhay at niyurakan nila ang pagkatao hindi lang ng napakaraming ipinakulong at ipinapatay dahil sa huwad na "War on Drugs" ng administrasyong Rodrigo Duterte, kundi maging ang kanilang mga kamag-anak/angkan. Magalit po na ang magalit, pero ang aking mga binibitiwang salita ay buhat ng pinagdaanan nang aming pamilya nitong 6 na taon.

Ayaw kong ibahagi ang mapait na pagkulong ng aking kapatid; lingid lang po sa inyong kaalaman pero wala akong nakukuhang kasayahan o clout/prestihiyo kada pagkukumahog kong isulat o isalarawan ang kanyang nakakapanlumong pinagdaanan. Ngayon lang po ako nagsasalita, na may halong kaba at luha, dahil gusto kong matuto ang sambayanan mula sa aming karanasan. Isa sa mga dahilan kung bakit nang-ibang bansa nga po ako ay upang makapagsimula muli, dahil sino nga ba ang gusto makipagtrabaho sa isang marketing communications professional (kahit na hindi naman ako napakagaling sa trabahong ito) na sirang-sira ang mabuting pangalan dahil sa paninirang ginawa ng pamahalaang ito? Hanggang sa kasalukuyan at hindi na ako makapagsulat at makapaglikha bilang libangan, dahil nabubuhay ako araw-araw nang hindi ko makakalimutan kung paano ako nabigong maipagtanggol ang aking kapatid gamit ang wika at ang mga salitang dati-rati ko nang sandata. 

Kaya, habang lalaban ako nang buong puso para kina Leni Robredo, Kiko Pangilinan, Team Tropa at sa kapakanan ng sambayanang Pilipino maski hindi sila kakampink, hindi ako makikipagkasundo sa mga balimbing na binanggit ko at sa kanilang mga tagasunod. Naniniwala ako sa pagmamana ng sumpa at kamalasan, kaya hanggang sa ang mga taksil ay magpakita nang tunay na pananagutan tungo sa paghahamig at paghihilom, hindi ko sila kayang pakisamahan at hindi ko kayang panagutan ang pakikisama sa mga nanghihikayat na tanggapin ang pakikipagsanib-pwersa sa kanila. Kailangan na talaga nating magtanda at matuto sa ating mga pagkakamali. Kung patuloy kayo sa pagboto sa mga taksil at/o sa pagsasawalang-bahala sa mga naranasan namin nitong mala-impyernong administrasyon, salamat na lang po sa lahat. 

Pagsasalin sa Ingles sa ilalim nitong cut / English translation after the cut. 

So! I've been a big fangirl for a while now, but it was only in 2015 that I properly started following the original books of the hottest Filipino creative property and one of the first adapted for global audiences today, Trese. After years of being developed, the six-episode mini-series made its debut worldwide as a Netflix Anime Original by the streaming giant on 11th June 2021 — leading into the weekend celebrating the Philippine Day of Independence, no less, which is 12th June. 

Just to give you a short background, Trese is an award-winning, self-published English-language komiks creation by Philippine-based advertising professionals, writer Budjette Tan and storyboard artist Kajo Baldisimo. Inspired by anime and gritty DC Comics originals, this indie comic was adapted by USA-raised Filipino Jay Oliva, best known for directing several DC Universe Animated Original Movies and Young Justice episodes, through his animation studio Lex+Otis (L+O). The six-episode mini-series was globally co-produced by Tan and Baldisimo with Tanya Yuson (also Filipino) and Shanty Harmayn of BASE Entertainment, which has headquarters in Jakarta and Singapore. (This boilerplate will also be very important later on.) 


Given the extensive commentary by industry professionals and fans about Trese, I wish to join the bandwagon and share my perspective as an erstwhile practitioner of marketing, public relations, media communications, and related peripheries. 

I must also preface that even with my background in media studies and training in media production,  these are just my theories because I was not involved with the production of either the comics, the anime, or the promotional materials for either one at all. Note that these thoughts originally appeared on Twitter as a stream of consciousness; this blog post is an attempt to present them in a more coherent and expansive manner.

Finally, I will try to be spoiler-free for the benefit of those only watching the animated series for the first time. But to be honest, I don't care about spoilers; in fact, I like learning about them so I know if the traumas I bear will be triggered by certain media or not. (This will also be very important later on.)

Gusto mong malaman ang nasa isip ko? Pwes, tara!

[Published Post] Suntok sa Buwan / A Fist to the Stars (Or, how a Filipina fangirl managed to meet #TeamCap)

Thursday, February 17, 2022

As some of you may know, I have always been active in fandom spaces. In fact, outside of my enjoyment of food, I enjoy discussions about Sailor Moon, 1990s anime, the Marvel Cinematic Universe and Filipino media franchise Encantadia. Being in fandom has helped me represent some of the biggest powerhouses in entertainment in the peak of my career a marketing communications professional -- it was the time being a fan started being cool, because we had grown up and had the power to bring our fandoms to life. 

But sometimes, I do miss just being a fan. 

In this magazine article I wrote for 2ndOpinion.ph back in 2016, I recount one of the highlights of my fangirl life (note that you may need the help of your preferred search engine for some expressions due to my bilingual writing, and this is the original version of what originally made it into the digital 'zine). Anyway, text under the cut!